3:00 PM
Yung mood ko, parang panahon pabago bago. Kani-kanina lang masaya pero ngayon parang pinagsakluban ng langit at lupa. Anong dahilan ba kung bat ako nagkakaganto? Sino ba ang dahilan? At bakit ba?
Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagpuna tsaka mga salita lang nila nasasaktan agad ako. Ganon ba ako kahina? Baka ganun nga.
Ginagawa ko naman lahat para hindi na nila ako mapansin, nagpapaka-invisible na ako, di ko na sila kinikibo, nananahimik na lang ako. Pero bat ganon? Bakit sa simpleng kilos, sa tahimik kong galaw, sa maliliit kong pagkakamali- bakit big deal sa kanila yun? Bakit kung magsalita sila para akong isang kriminal na may malaking kasalanan na dapat pagbayaran?
Napaka unfair lang para sakin, kasi tina-try ko naman lahat para lang di na magkamali- pero tao din naman ako. Ginagawa ko na din lahat para wala na silang masabi pero meron at meron parin. Ganon mo ba kaayaw sakin? Ganoon nyo ba kaayaw sakin?
Sa totoo lang, di ko naman pinipilit yung sarili ko sa inyo eh. Di ko naman pinagpipilitan na sana magustuhan nyo ako, yung kilos ko at kung ano yung ginagawa ko. Hinahayaan ko na nga lang kayong sabihan ako ng kung ano ano, pero pati ba naman to? Pati ba naman sarilli kong kasiyahan kailangan pa pagkait sakin?
Bakit ako lagi yung dapat nagsasakripisyo? Bakit ako lagi yung dapat na nahihirapan? Bakit lagi na lang ako?
Pinilit ko naman magpakatatag e, pinilit kong magtiis, manahimik at wag ipakita na nasasaktan ako sa mga sinasabi nyo, pero hindi naman porket ginagawa ko yun pinahihintulutan ko na kayong saktan, punahin at pagsabihan ako araw araw.
Oo nakakagawa ako ng mga mali alam ko yun, pero bakit di nyo ko bigyan ng chance na itama yung sarili ko? Hindi yung itatama nyo ko sa pamamagitan ng isa pang pagkakamali?
Tanggap ko na ayaw nyo sakin, pero sana tinanong nyo din muna ako kung gusto ko ba sa inyo at kung masaya ba ko dito? Kasi ang sagot HINDI NA, pero nags-stay parin ako at malaking bagay sakin yun.
Kaya sana i-consider nyo muna yung nararamdaman ko bago nyo ko saktan.... sana lang naman... sana.
« 𝓹𝓾𝓻𝓹𝓵𝓮 »
No comments:
Post a Comment